|
Post by bishamonten on Jan 27, 2017 20:56:58 GMT
Admin gusto ko lang ilabas ang aking saloobin ukol sa iyonh pinaka huling update na ginawa, na enable ang crafting ng costumes for accessories. Isa sa mga reason kung bakit ako/kame naglaro ng MyRan eh dahil sa kadahilanang gusto namen muling maramdaman ang kung ano man ang naramdaman namen noon, CLASSIC kung tawagin ng nakararami. Lubos kong ikinalungkot at ikinadismaya ng ilabas mo ang crafting system sa tinatawag nating Classic MyRan Old School. Hindi ko na maintindihan kung asan ang classic sa atin dahil doon. Dahil na lamang ba sa ating max level na 210 at max skills na 167, o di kaya dahil sa ating suot na mga set at weapon? Sana kung classic ang level, skills, weapons, and set, ganon din ang mga accessories. Sana man lang ay nagkaroon tayo ng poll kung para sa ikasasaya ito ng nakararami, "Ito Ang Ran Mo" pa nga ang slogan ng MyRan ngunit bakit sa nangyaring ito, hindi na iyon ang nararamdaman ko. Amin ng natanggap na may accessories na hindi "classic" na nabibili gamit ang Premium Points na kailangan naman ng ating server para mabuhay. Sana pakinggan mo ang aking/aming munting boses na itanong muna sa nakararami kung nanaisin nga ba namin itong crafting system na ginawa ninyo. Maraming Salamat, Admin...
|
|
|
Post by Admin on Jan 27, 2017 21:16:54 GMT
Hi there,
Unang una sa lahat kaya nga hindi classic ang MyRAN, kaya nga old school nilagay namin.
May punto po un basehan nyo, pero ang iniisip lang namin para mabuhay ang kalakaran ng server at isa ito sa paraan upang ma stabilize ang laro. Hindi namin ilalagay yan para sa ikasisira ng laro. Dati rin kaming manlalaro, kaya nga alam namin ang saya ng pagfafarm. Matapos mabuo ang iyong set at lahat lahat anu nlng gagawin mo? wala diba? pa SW/TW nlng? CW nlng? In the long run mamamatay ang laro dahil wala ng pinagkaka gastusan at wala ng gingagawa.
Kahit saang laro po kayo mapunta, may mga pangyayari talagang hindi ayon sa ibang players, dahil ang mga nakikita nyo lang ay ang mga inyong pansariling intention o kapakanan o kagustohan. Iba kami tumanaw, dahil hindi lang sa kasiyahan ng manlalaro kundi para sa ikabubuti at ikabubuhay ng laro.
Parte ng pagiging manlalaro nyo ang pag adopt sa mga pagbabago. Hindi mabubuhay at magtatagal ang isang laro sa ganyang pagiisip.
Magpasalamat nlng po kayo kasi may ginagawa tayo, at palaging may ginagawa para sa laro, hindi un ilang buwan ng walang update, tanggap nlng ng tanggap ng mga donation.
Yun mga update na ginagawa ay pinagiisipan yan at pinaghihirapan. Kaya nilalagyan namin ng twist un game para hindi dull.
Ganun pa man, opinion nyo po yan as users at nararamdaman namin iyon. Hindi nman namin nilagay yan para pagtripan lng namin kayo kasi ganito maganda kasi ayos to. Lahat ng nilalagay namin sa laro ay may dahilan.
Hindi namin kayo mapipilit at naiintindihan namin ang inyong saluobin. But the Item Crafting will stay as it is, maliban nlng kung magkaroon ng problema sa server errors at kailangan na itong tanggalin.
Maraming salamat
-MyRAN DEV TEAM
|
|